Huwebes, Enero 25, 2018

Narrativ

Ang narativ o naratibo ay mahusay na pagkukwento.Layunin nito ang magsalaysay o magkwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.

Piksyon

a. nobela
b.maikling kwento
c. tula

Di-piksyon
a. memoir
b.biyograpiya
c. balita
d.malikhaing sanaysay

Elemento

a.paksa
b. Estruktura
c.oryentasyon
d. pamamaraan ng nareysyon

1.Diyalogo
- pag-uusap ng mga tauhan

2. Foreshadowing
- pahiwatig o hint

3. Plot twist
-tahasang pagbabago ng direksyon

4. Ellipsis
- misyon o pag-alis ng ilang bahagi ng yugto ng kwento.
- mula sa Iceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest Hemingway.

5. Comic Book Death
- pinapatay ang karakter

6. Reverse Chronology
Dula ------- simula

7. In Medias Res
-nagsisimula ang nareysyon sa kalagitnaan ng kwento.

8. Deus Ex Machina
-God from the machine
-plot device

9. Komplikasyon o tunggalian
-batayan ng paggalaw at pagbabago sa posisyo o disposisyon ng tao.

e. Resolusyon
- kahalahantungan ng kumplikasyon at tunggalian

f. Pagsulat ng Creative Non-fiction (CNF)
-literary non- fiction o Narrative non- fiction
- bagong genre sa malikhaing pagsulat.

     Ang tekstong narativ o narrative sa Ingles, ay isang uri ng teksto na naglalahad ng magkakasunod-sunod na mga pangyayari. Maaari rin itong tumukoy sa isang simpleng salaysay. Ito ay naglalahad ng impormasyong tiyak at sumasagot sa mga tanong na paano, saan, at kailan.

Karamihan sa mga akdang pampanitikan ay isang uri ng tekstong narativ sapagkat nagsasalaysay ito ng mga pangyayari na naganap sa isang kwento..

Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong persweysib ay isang uri ng di- piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.


Naglalaman ng:

a. malalim na pananaliksik
b. Kaalaman sa mga pisiblung paniniwala ng mga mambabasa.
c. malalim na pagkaunawa sa dalawang panig na isyu.

Layuning textong persweysiv na maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat. Mga pahayag na makaakit sa damdamin at isipan ng mambabasa.Mgapangangatwirang hahantong sa isang lojikal na konklusyon. Mga dokumentong buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik upang higit na maging kapani-paniwala at may kredibilidad ang paglalahad.

Tekstong Impormatibo

- ekspositori -naglalayang magpaliwan at magbigay-impormasyon


Halimbawa:

 Biyograpiya
diksyunaryo
encyclopedia
almanac
papel-pananaliksik(journal)
Siyentipikong ulat
Balita sa radyo

uri dahilan:

a.sanhi at bunga

        -estruktuta ng paglalahad na naglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari at kung paanong ang kinalalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari.

b. Paghahambing at Pagkokontrast

       -kadalasang nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba sa pagitan ng anomang bagay, konsepto o pangyayari.

c. Pagbibigay depinisyon

        -Ipinapaliwanag ang kahulugan ng bawat termino o salita o konsepto.

2 Paraan:

a. denotatibo/ formal
b. konotatibo/ informal

3 bahagi:

Una:
Salita Pangalawa:
Kaurian Pangatlo:

Katangian

Halimbawa:

Una: hele/ oyagi
Pangalawa: Isang katutubong awitin
Pangatlo: Ito ay awitin sa pagpapatulog ng bata

d. Paglilista ng klasipikasyon

     - kadalasang paghahati-hati ng isang paksa o ideya sa iba't - ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng pagtalakay.

2 paraan
a. simple

b. komplikado

3 Kakayahan ng tekstong impormatibo

a. pagpapahayag ng imbak na kaalaman
b. pagbuo ng hinuha
c. pagkakaroon ng mayaman na karanasan.

Anotasyon

       Ang anotasyon ay naglalaman ng maikling deskripsyon sa anyo at nilalaman ng isang akda.Ginagamitan ng pagsasalungguhit, paggawa ng komento, pagsulat ng mga katanungan,paggawa ng balangkas.


Mga kasanayan sa mapanuring Pagbasa

A. Bago magbasa -Previewing/surveying
B.Habang Nagbabasa
a.Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
b.Biswalisasyon ng binabasa
c.Pagbuo ng koneksyon
d.Paghihinuha
e.Pagsubaybay sa komprehensyon
f.Muling pagbabasa
g.Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.

Elaborasyon

-pagpapalawak at pagdadagdag ng bagong ideya.

Organisasyon

-Pagbuo ng koneksyon pagbuo ng tekstwal na imahe.
c.Pagktapos Magbasa
a.Pagtatasa ng komprehensyon
b.Pagbubuod
c.Pagbuo ng sintesis
d.Ebalwasyon

*Pagkilala sa opinyon at katotohanan
*Pagtuloy sa layunin, panananaw at damdamin ng teksto.
*Pagsukat ng pharaphrase, abstrak,rebyu.

Paraphrase

-muling pagpapahayag ng ideya ng may akda sa ibang pamamaraan upang palinawin nito sa mambabasa

Abstrak

- buod ng pananaliksik,thesis o kaya tala ng komprehensya o ano mang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o pagbuo./sypnosis/precis.

Rebyu
-isang uri ng pampanitikan kritisismo, na ang layunin ang suriin ang isang akdat batay sa nilalaman, istilo atpaghahasulat.

Pagbasa

         -Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito.

Dahilan:

1.Nagbabasa para sa kaligtasan
2.Pagbasa para makakuha ng malalim na kaalaman sa mga impormasyong di pa masyadong batid
3. Pagbasa para sa partikular na pangangailangan
4. Pagbasa para malibang

Teorya:
1. Bottom - up
2.Top - down
3. Iskima
4. Interaktiv

Uri
1.Iskimming- madalian
2.Iskaning- mapagmasid na pagbasa
          a. pagbasa para sa pag-aaral
          b.magaan na pagbasa
          c. salita sa salitang pagbasa
3. Masikhay/Masinsinan/ Intensivo
4. Masaklaw/ekstentive - binasa lahat Kaantasan:

Kaantasan
 1. Inspeksyunal
2. Mapanuri
3. Analitikal
4. Sintopikal

Halimbawa:

Pagbasa ng mga Road sign:

Y2732
                            No U-Turn Signs
X5642 (1)    Pedestrian Crossing Sign
road1
                        Two way street signs
 
Ang pagbabasa ng road signs ay isang paraan ng  pagpalawak ng ating kaalaman. Alam natin kung anong ibig sabihin ng bawat simbolo. At higit sa lahat, marami tayong napupulot nakaalaman at aral. Nadadagdagan ang ationg mga nalalaman.

Prosesong Sikolohikal 3 salik:

1. Pagiging Pamilyar sa nakalimbag na simbolo
2. Kadalian o kahirapan ng mga binasang impormasyon
3. Layunin kung bakit nagbabasa

2 Salik (Roldan,1993)
1. Nakikita/Nasisilayan
2. Di- nakikita o Di - nasisilayan

Interaktibong Pagdulog sa Pagbasa Ayon kay Rummelhart:


MENSAHE
Kaalamang Semantiko- kahulugan
Impormasyon- magbigay ng pag - uunawa
Interpretasyon- pag- uunawa sa mensahe
Dating kaalaman- madagdagan,mapalawak,mapapalitan
Kaalamang ortograpiya- letra-bantas
Kaalamang sintaktiko- nakabuo ng salita

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik

Tanong:


Gaano kahalaga ang kaalamang sikolohikal sa pagsulat ng pananaliksik?


    -Napakahalaga ng kaalamang sikolohikal ng pagsulat ng pananaliksik dahil nakatutulong ito upang madagdagan pa ang ating kaalaman. Hindi lang naman mga mag-aaral ang dapat magsaliksik kundi lahat ng tao ay pwedeng gumawa ng saliksik.

Halimbawa:
Gusto mong malaman kung tuwing kailan ba namumunga ang mangga dahil nais mong magtanim nito. Nagsaliksik ka at nalaman mo na tuwing tag-init pala namumunga ito. Dahil sa pagsasaliksik mo nalaman mo kung kailan ka magtatanim nito.

Act. Nagkataon lang ba?

Kung:
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

ay

Katumbas ng:

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

Samakatuwid ang:

K+N+O+W+L+E+D+G+E =

H+A+R+D+W+O+R+K =

A+T+T+I+T+U+D+E =

Ang kinalabasan na mga percent nito ay kung gaano kahalaga ang pagbabasa at pananaliksik sa isang tao upang matuto sa buhay.Simple lang hanapin ang katumbas na numero ng bawat letra at i-add ito.

K+N+O+W+L+E+D+G+E 11+14+15+23+12+5+4+7+5= 96%

Subukan ang sunod na salita.